Travel Thoughts 101 in Cagayan
Dati-rati pinapadala lang ako sa iba’t ibang lugar na sponsor ng school, ng SK, etc.. Hindi ko naman akalain na paglipas ng panahon, ako na pala ang mag-i-sponsor at magpapadala sa sarili ko sa marami pang lugar mapa-Pilipinas man nyan o sa ibang bansa. Nagsimula sa malalapit, sa mga sasakyang panlupa, hanggang sa maranasan ko rin sumakay sa sasakyang panghimpapawid at pang-dagat. Nagsimula sa pangarap hanggang sa unti-unting nagkakulay at nagsimulang matupad. Mula sa pasama-sama lang sa gala ng barkada at ka-opisina, hanggang sa kamakailan nga ay bumiyahe na nga mag-isa.
Akala ng marami, kapag bumibiyahe ka, and dami mo nang pera. Akala ang yaman mo. Ano daw ba yung makukuha mo sa paggagala? Napagod ka na, gumastos ka pa. Minsan akala rin nila hindi ka nag-iipon, na wala kang savings, saan nga ba ang mararating mo? Ganun talaga, hindi mo kontrolado yung iisipin sa’yo ng tao. May gawin ka o wala, may masasabi pa rin kaya naman piliin lang natin na gawin yung tama at kung saan tayo masaya.
Hindi ako naniniwala na wala akong napapala sa mga biyahe na ito. Una, na-diskubre ko na ang mundo ay hindi umiikot sa apat na sulok ng bahay at maging sa opisina. Sa’kin, hindi ginagawang boring ang buhay lalo sa personality ko na nais sumubok ng bago, yung mga bagay na “unang beses” mo gagawin. Ang sarap sa pakiramdam na ginaganahan ka na mag-trabaho at may nilu-look forward ka na petsa kung saan “gagala” ka. Siguro nga nakakapagod, siguro nga magastos, pero tandaan natin na maraming bagay na hindi nabibili ng pera. Na ang pera, kinikita yan at napapalitan ulit, pero ang karanasan, maituturing na kayamanan. Gustung-gusto ko ‘pag nagkwe-kwento yung lola ko tungkol sa buhay nung araw, kung ano yung buhay dati. Darating ang panahon na mag-a-asawa, mag-a-anak, at magkaka-apo ako. Ang dami ko sigurong kwento, ano? Papakitaan ko rin sila ng mga larawan na nagsisilbing saksi sa mga bagay na nakita at naranasan ko sa mga biyahe ko. Ikalawa, hindi ako loyal sa circles of friends ko at alam nila yun. Hindi ako mabubuhay sa tahimik na lugar. Laging naka-reserve ang pagiging madaldal ko. I love meeting and talking to people. Tinginin akong masungit at mataray dahil sa “resting bitch face” na ‘to, but not to boast, I can really prove na hindi nakukuha yan sa itsura, nasa pakikisama. Description ko sa sarili ko, para kong damo na kahit saan tutubo. I considered this as gift from God. Bakit ko ipagdadamot yung sarili ko sa iba? Ang sarap sa pakiramdam na maraming nakakakilala sa’yo. Yung hindi mo namamalayan, ang lakas pala ng impact mo sa kanila. Sa ganitong personality, ang dami mong nauungkat na kwento tungkol sa mga buhay ng mga taong nakakasalumuha mo lalo pa at kung yung lugar na napuntahan mo ay mga liblib na lugar at isla. Mararanasan mo yung kultura na meron sila. Mapapatunayan mo na iba pa rin ang simple at payak na pamumuhay. Mayaman sila sa pangarap at pagmamahal. Mapapa-thank you Lord ka na lang din kasi sa lahat ng naranasan at nalaman mo tungkol sa kanila, you will realize, YOU ARE BLESSED.
Ikatlo, kaygandang pagmasdan ang mga likha ng Diyos. Kahanga-hangang tunay! Natutuwa tayo sa mga lugar sa ibang bansa pero higit dun, mayaman ang Pilipinas. Ang daming masarap puntahan. Narating ko na ang maraming bahagi ng Luzon, ilang bahagi sa Visayas, at masaya ako na ma-e-explore ko rin ang Mindanao ngayong 2017. Plus, another out of the country escapade. Sabi nga ni Drew Arellano, “Ano, sama ka sa biyahe ko?” Huwag maging dayuhan sa sariling bayan.
Ikaapat, maraming pagkain! Feel free to eat like a local sabi ulit ng Pambansang Biyahero na si Drew.
On my recent trip to Cagayan, I realized na matatagpuan ang maraming magagandang bagay sa malalayong lugar. Hindi mo kailangang bonggahan ang plano mo, let the place and all experiences surprise you. Beautiful things come naturally and unexpectedly. I always manage my expectations, a lot. That’s why ‘pag hindi nangyari, I became depressed, disappointed, and frustrated. I have learned my lesson na sana mai-apply ko in the coming days.
Do not be afraid to explore. Choose to be adventurous. Ang dami kong worries. Sana lalaki na lang ako ‘pag bumibiyahe para I don’t look vulnerable and fragile. But then, I just celebrate being myself! I let go of all my worries. It was really an achievement to go to a place na hindi ka pamilyar tapos mag-isa ka lang. It’s not being alone and sad, it’s being yes, alone, but really never lonely. I feel so free of everything. I feel so independent. I have this wide smile on my face while on trip. I feel so welcome as well to the people I’ve met there. Di ko sila tinuring na iba sa’kin. They are now part of my circles of friends.
Yung island hopping, maiko-compare ko sa buhay. Alam mo na may pupuntahan ka, na may goals na tutuparin, but along the way, hindi laging payapa ang daraanan. Minsan may nanglalamon na alon na sumasalpok sa bangka nyo at may mga ulan na nananampal, but you’ll get there. Laging may nakalaan na surprises and beautiful things when you get there.